Wednesday, January 26, 2011

Guro ka? Artista ka!

            Sabi ni teacher Yna, "Teaching is 45% preparation and 55% theatre"
            Totoo nga naman.  Ang trabaho ng isang guro ay nagsisimula bago pa man siya pumasok ng paaralan.  Mula sa paghahanda pa lamang ng lesson plan hanggang sa paggawa at pagahahanda ng mga kagamitan o midya na gagamitin hanggang sa pagtuturo mismo ng materyal at pagsusuri ng nakuhang kaalaman ng mga estudyante ay tiyak nga namang hindi nalilimita ang isang guro sa apat na sulok lamang ng paaralan.  
           Sa araw-araw na pagharap ng isang guro sa kanyang klase, ay kailangan niyang umarte upang mahikayat ang mga estudyante niya sa kung ano mang paksa ang kanyang nais ituro.  Kailangan siyang maging kapani-paniwala bilang isang tagapagpamahagi ng impormasyon at kaalaman.  Kung ikukumpara sa isang teatro, ang mga estudyante ang mga tagapanood at ang guro ang tagpagganap o artista na pinapanood.  Subalit may malaking pagkakaiba ang pagtuturo sa pag-arte.  Sa teatro, may script na istriktong sinusunod.  Kung ikukumpara ay may script din naman ang isang guro, ang kanyang lesson plan, hindi ba? Ngunit, nagkakatalo ang dalawang ito sa punto ng presentasyon at mismong programa.  Sa teatro, hindi kasama ang mga tagapanood sa mga magtatanghal, samantalang sa isang silid-aralan, maaari ring maging tagapagganap o guro ang isang estudyante.  Kumbaga, hindi lamang natututo ang mga bata mula sa guro ngunit pati na rin mula sa kanyang kapwa mga estudyante. 

No comments:

Post a Comment